Maari Ba?

Photo credit to the owner

Maari ba akong bumati ng magandang umaga?

Kahit ang pandesal na nakahain ay matigas na?

Kahit ang kape na pinagsasaluhan natin ay lumamig na?

Kahit ang manok na gumigising sa atin ay tumahimik na?

Maari pa rin ba?

Eh sa tapat na tanghali ako ba ay pagbibigyan mo na?

Ang pinakamatamis na inumin ay bibilhin ko pa

Ipagluluto kita ng paborito mong putahe. Maaari ba?

Ngunit humakbang ka lang sa pinto at nilisan lahat ng inihanda

Tinalikuran moko pero hinabol pa rin kita

Sinundan kita kahit ayaw mo na

Pakiusap hayaan mong suportahan kita sa laro. Maaari ba?

Takipsilim na ng matapos ang pagtalbog ng mga bola

Nanalo kayo at palagay ko natalo ako

Dahil nakatitig ako sayo at nakangiti ka sa bagong mundo mo

Tingin ko’y pati paghihinagpis ko ay naramdaman ng panahon

Butil ng ulan ay paisa isang pumapatak sa espasyong kinatatayuan

Lumayo ako sa inyo hangga’t kaya pa ng paang ito

Tinahak ang  madilim na kalsada patungo sa mundo kung san tayo nagkatagpo

Nandito ako sa sikretong bahay na ilusyon nating dalawa

Gabi na ng dumating ka dahil hinatid mo pa siya

Magkaharap tayo sa hapag kainan

Pinagsasaluhan natin ang katahimikan

Ng mahulog ang baso na nagdulot ng sugat sa kamay ko

Nakita mo pero di pinansin ang dugo

Natapos ang hapunan at sa luha’y nabusog ako

Maaga kang pumunta sa higaan at muli na naman akong napag-iwanan

Naiwan ako kasama ang mga tanong sa dibdib ko?

Mga tanong na maaari ba?

Maaari ba akong magselos dahil may iba kana?

Maaari ba akong sumigaw na “miss na miss na kita”?

Maaari bang bisitahin natin ang lugar na “mahal kita, mahal moko, nagmamahalan lang walang tayo”?

Kung hindi man. Maaari ba kitang mahalin kahit patago?

Maaari ba kitang pangarapin kahit nasasaktan na ako?

Eto ang mga tanong na nagpapabasa ng unan ko gabi gabi

Mga tanong noong ang mata ay mugto sa paghikbi

Mga tanong na nagpapatulog sakin sa lungkot na di ko maikubli

Ngunit bigla akong naalimpungatan ng ala una

At may naririnig akong bulong sa aking tenga

Palakas ito ng palakas katulad ng tibok ng puso ko

Nagising ako sa sigaw ng aking sistema “Tama na. Maaari ba?”

 Napagtanto ko na kahit naging bahagi siya ng umaga, tanghali, hapon, at gabi ko

Ang mga araw natin ay lumipas na

Tanggap ko na pala kagabi na hindi tayo para sa isa’t isa

Nagtago man ang buwan at bituin kung san tayo dating humihiling

Lumamig man at kumulimlim ang pagkahumaling

Hindi na nito mababago ang katotohanang hanggang dito nalang ako

Hanggang “muntik” lang tayo

Hindi ko na hihintayin masilayan ang haring araw para magpaalam

Ngunit hayaang sayo ay sabihin ang hiling na inaasam asam

Maging masaya ka sa kanya ha Maaari ba?

12:20 AM

5/22/17

– Empress 👑

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s